Aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, mahigit 29-K na lamang; Active cases naman sa hanay ng overseas Filipinos, mahigit tatlong libo

29,301 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa o katumbas ng 7.6%.

Ito ay matapos na makapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong recoveries na 87 kaya ang total recoveries na ay 348,830 o 90.5%.

2,298 naman ang bagong kaso kaya ang total COVID cases na sa bansa ngayon ay 385,400.


32 naman ang bagong binawian ng buhay kaya ang total deaths na ay 1.89%.

Samantala, 3,149 na lamang ang aktibong kaso sa hanay ng mga Pilipino sa abroad.

Ito ay matapos na isang bagong kaso lamang ang naitala ng Department of Foreign Affairs (DFA) ngayong araw.

Wala namang naitala ang DFA na bagong recoveries at wala ring Pinoy na panibagong binawian ng buhay sa abroad dahil sa COVID-19.

Ang total cases naman ay 11,245 habang ang total recoveries ay 7,279.

817 naman na mga Pinoy sa ibayong dagat ang binawian ng buhay dahil sa nasabing virus.

Facebook Comments