Cauayan City, Isabela- Nadagdagan pa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, dalawa (2) ang bagong naitala na positibo sa COVID-19 na nagdadala ngayon sa 45 aktibong kaso.
Ang unang nagpositibo sa COVID-19 ay si CV8150, 47 taong gulang na babae, residente ng Barangay Sillawit.
Siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng pagkahilo at pagsusuka simula February 6, 2021 kaya’t agad itong sumailalim sa antigen test kung saan siya ay nagpositibo.
Kinuhanan din ng sample para sa swab test at siya ay positibo sa virus.
Kasalukuyang naka strict-home quarantine ang pasyente na nakaranas ng mga sintomas. Walang history of travel at inaalam pa ang posibleng exposure nito.
Sumunod na nagpositibo ay si CV8194, 30 taong gulang na babae, residente ng Barangay Dabburab na kung saan siya ay nakaranas ng sintomas gaya ng ubo, sipon, lagnat at pagkawala ng panlasa simula February 9, 2021 kaya’t agad na komunsulta sa isang ospital para magpasuri.
Bilang protocol, siya ay kinuhanan ng swab sample para sa swab test hanggang sa lumabas ang resulta na siya ay positibo.
Nabatid na mayroon itong comorbid na Community acquired pnuemonia at walag naging history of travel.
Siya ay kasalukuyang naka-admit sa isang hospital isolation facility.
Ang mga barangay na kinaroroonan ng mga bahay ng mga nagpositibong kaso ay patuloy na isinailalim sa calibrated lockdown.