Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Bumaba na sa 63

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 63 ang bilang ng may COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa datos ng Cauayan City Health Office as of November 7, 2021, mayroon na lamang 63 active cases ang Lungsod mula sa dating 80 nitong nakaraang araw.

Sa bagong kaso ng COVID-19, mayroon lamang naitala ang Lungsod na tatlong (3) positibong kaso, 22 na gumaling at tatlo rin ang (3) namatay sa nasabing sakit.


Mula sa bilang ng natitirang aktibong kaso sa Lungsod, nangunguna pa rin ang Brgy. San Fermin sa may pinakamataas na active cases na may 13; sinusundan ito ng barangay District 1 at Cabaruan na mayroon na lamang tig-anim (6) na aktibong kaso.

Ang Cauayan City ay sumasailalim pa rin sa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions na magtatagal hanggang sa November 15, 2021.

Facebook Comments