Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Bumaba sa 169

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba sa 169 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Sa pinakahuling tala ng Cauayan City Health Office ngayong araw ng Martes, August 17, 2021, mula sa dating 182 na total active cases ng Lungsod, nabawasan ito sa 169 matapos gumaling ang dalawampu’t isa (21) na mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Gayunman, nakapagtala pa rin ang Lungsod ng apat (4) na panibagong positibong kaso.


Kaugnay nito, wala namang naitala ang Lungsod na namatay sa nasabing virus.

Sa kasalukuyan, numero uno pa rin ang Cauayan City sa buong probinsya ng Isabela sa may pinakamataas na bilang ng aktibong kaso ng COVID-19.

Facebook Comments