Cauayan City, Isabela- Bumaba na ang bilang ng aktibong kaso ng Covid-19 sa Lungsod ng Cauayan.
Sa pinakahuling report ng Cauayan City Health Office as of November 28, 2021, nasa 24 na lamang ang bilang ng may sakit na COVID-19 sa lungsod.
Kahit ang bumaba ang bilang ng active cases, nakapagtala pa rin ang Cauayan City ng dalawang (2) panibagong positibong kaso.
Wala namang naiulat na kaso ng namatay sa COVID-19 habang mayroon namang dalawang pasyente ang naitalang nakarekober.
Mula sa 24 na active cases sa Lungsod, naitala ang tig-isang (1) kaso ng tinamaan ng COVID-19 sa Barangay Andarayan, Guayabal, Minante II, Nagrumbuan, Sillawit at Turayong; dalawa (2) sa Marabulig II; tig-tatlo (3) sa Cabaruan, District III, Minante I, at San Fermin habang ang apat (4) ay naiulat sa brgy. District 1.
Samantala, hinihikayat pa rin ng lokal na pamahalaan ng Cauayan ang publiko na sumunod pa rin sa mga panuntunan habang ang Lungsod ay nasa ilalim ng Alert Level 2 na magtatagal hanggang November 30, 2021.