Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Cauayan City, Pumalo sa 341

Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa 341 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lungsod ng Cauayan.

Batay sa pinakahuling tala ng City Health Office as of April 17, 2021, nakapagtala ng 22 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Lungsod, 32 na recoveries at limang (5) nasawi.

Hinihintay na lamang mula sa Department of Health (DOH) Region 2 ang kanilang CV codes.


Paalala ng City Health Office na kung may maramdamang sintomas ng COVID-19 ay makipag-ugnayan agad sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) upang mabigyan ito ng kaukulang aksyon.

Kaugnay nito, patuloy ang ginagawang pagpapaalala ng pamahalaang Lungsod ng Cauayan na sumunod sa mga ipinatutupad na minimum health protocols gaya ng palagiang pagsusuot ng facemask at faceshield kung kinakailangang lumabas ng bahay, palagiang paghuhugas ng kamay, paggamit ng alcohol at pagpapanatili ng social distancing.

Facebook Comments