Patuloy na bumaba ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa hanay ng Manila Police District (MPD).
Sa datos na ibinahagi ni MPD PIO Chief Police Captain Philipp Ines, bumaba na sa 5 ang bilang ng active cases kung saan patuloy na nakamonitor ang pamunuan ng MPD sa kalagayan ng mga tinamaan ng nasabing sakit.
Nananatili sa 5 ang bilang ng nasawi habang nasa 1,090 ang nakarekober sa COVID-19.
Sa kabuuan, pumalo sa 1,100 ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa MPD.
Kaugnay nito, patuloy ang paalala ni MPD Director Police Brig. Gen. Leo Francisco sa kaniyang mga tauhan na mag-doble ingat palagi lalo na ang mga naka-deploy sa mga barangay na nasa ilalim ng granular lockdown.
Patuloy naman nakatutok ang MPD sa pagbabantay sa lungsod ng Maynila lalo na sa mga matataong lugar upang masiguro ang seguridad at pagpapatupad ng health protocols para maiwasan ang hawaan ng COVID-19.