Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bahagyang Bumaba

Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba sa 398 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 21, 2021, nasa tatlumpu’t walo (38) ang naitalang bagong nagpositibo sa virus habang 35 naman ang bagong gumaling.

Mula sa bilang ng bagong kaso sa probinsya, labing siyam (19) rito ay naitala sa bayan ng Cabagan; anim (6) sa Lungsod ng Cauayan; tig-apat (4) sa bayan ng Naguilian at Santiago City; tig-dalawa (2) sa bayan ng Gamu at San Agustin habang tig-isa (1) sa bayan ng Aurora.


Umaabot naman sa 4,559 ang kabuuang bilang ng gumaling at pumalo naman sa 5,055 ang total confirmed cases.

Sa nasabing total confirmed cases, 99 na rito ang nasawi.

Pinakamataas pa rin sa aktibong kaso ang Local Transmission na may 353; sumunod ang mga health workers na dalawampu’t dalawa (22); mga pulis na labing lima (15) at walo (8) na Locally Stranded Individuals (LSIs).

Facebook Comments