Cauayan City, Isabela- Bahagyang bumaba ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 as of 8:00am ngayong araw, December 30, 2020, mayroon na lamang 195 na natitirang aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya matapos na gumaling sa virus ang 38 na nagpositibo.
Bagamat mataas ang bilang ng mga nakarekober sa sakit, nakapagtala pa rin ang Isabela ng 34 na bagong kaso.
Mula sa 34 na new COVID-19 cases, siyam (9) ang naitala sa bayan ng Naguilian; anim (6) sa Lungsod ng Ilagan; lima (5) sa Lungsod ng Santiago; lima (5) sa bayan ng Gamu; apat (4) sa Lungsod ng Cauayan; dalawa (2) sa bayan ng San Mariano; at tig-isa (1) sa mga bayan ng Reina Mercedes, Ramon, at Mallig.
Sa bilang naman na 195 total active cases, tatlo (3) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs); limang (5) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); labing apat (14) na Health Worker; anim (6) na pulis at 167 na Local Transmission.