Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumaba sa 478

Cauayan City, Isabela- Bumaba sa 478 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Enero 19, 2021, labing tatlo (13) lamang ang naitalang bagong positibong kaso sa probinsya ng Isabela kung saan ang apat (4) ay naitala sa Lungsod ng Cauayan; tatlo (3) sa bayan ng Echague at Santiago City; dalawa (2) sa bayan ng Tumauini at isa (1) sa bayan ng Aurora.

Kasabay ng mga naitalang bagong kaso sa Isabela, gumaling naman sa nasabing sakit ang dalawampu’t dalawa (22) na COVID-19 patients at ngayo’y umaabot na sa 3,262 ang total recovered cases ng probinsya.


Mula naman sa 478 na active cases sa Isabela, anim (6) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence; dalawampu’t anim (26) na Healthworkers; dalawampung (20) pulis at 426 na Local Transmission.

Facebook Comments