Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Bumaba

26

Cauayan City, Isabela- Bumaba ang bilang ng aktibong kaso sa Lalawigan ng Isabela matapos makapagtala ng mataas na bilang ng bagonmg recovered cases.

Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2, pitumpu (70) ang naitalang bilang ng gumaling sa COVID-19 sa Isabela ngayong araw ngunit mayroon namang naitala na 28 na bagong positibo sa virus.


Mula sa 28 new COVID-19 cases, dalawampu’t tatlo (23) ang naitala sa Santiago City, dalawa (2) sa Cauayan City; at tig-isa (1) sa bayan ng Cordon, San Manuel at Lungsod ng Ilagan.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 439 na kabuuang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela.

Sa bilang na 439, sampu (10) ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), dalawampung (20) Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); apatnapu (40) na Health Worker; tatlong (3) pulis at 366 na Local Transmission.

Facebook Comments