Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa 840 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 16, 2021, walumpu’t siyam (89) na panibagong kaso ang naitala habang apatnapu’t tatlo (43) ang bagong nakarekober.
Mula sa bilang ng bagong kaso, ang limampu’t siyam (59) ay naitala sa Santiago City; siyam (9) sa bayan ng Tumauini; walo (8) sa bayan ng Quirino; tatlo (3) sa Echague; tig-dadalawa (2) sa bayan ng Cabagan at Roxas; at tig-iisa (1) sa mga bayan ng Alicia, Benito Soliven, Naguilian, Mallig, Sta. Maria at Quezon.
Sa kasalukuyan, mayroon ng 6,185 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa probinsya, 5,226 rito ang gumaling at 119 ang namatay.
Pinakamarami pa rin sa mga aktibong kaso ang Local Transmission na may 686; isang daan at sampu (110) na Health Workers; dalawampu’t tatlo (23) na kasapi ng PNP; dalawampung (20) Locally Stranded Individuals (LSIs); at isang Returning Overseas Filipino (ROF).