Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Lalong Tumaas

26

Cauayan City, Isabela- Umaabot pa rin sa 461 ang total active cases ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.

Sa 461 na kabuuang bilang ng aktibong kaso sa Isabela, labing siyam (19) ang naitala sa City of Ilagan; apat (4) sa Lungsod ng Cauayan; apat (4) sa bayan ng Jones; dalawa (2) sa Lungsod ng Santiago City; at tig-isa sa bayan ng Angadanan at San Mariano.


Kasabay ng mga bagong kaso na naitala sa probinsya, gumaling naman sa nasabing sakit ang labing walo (18) na COVID-19 Positive patients kung saan umaabot na sa 3,038 ang total recovered cases sa Isabela.

Mayroon namang 55 na COVID-19 related deaths ang naitala sa Isabela.

Mula sa 461 na total active cases sa probinsya, tatlo (3) rito ay mga Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); dalawampu’t limang (25) Health workers; dalawampu’t dalawang (22) pulis; at 411 na Local Transmission.

Facebook Comments