Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Lalong Tumaas

Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa 613 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Pebrero 4, 2021, animnapu’t apat (64) ang naitalang bagong positibong kaso ng COVID-19 sa probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang na 4,498.

Mula sa 64 new covid-19 cases, ang dalawampu’t tatlo (23) rito ay naitala sa Lungsod ng Santiago; walo (8) sa bayan ng Luna; anim (6) sa bayan ng Cabatuan at Quirino; lima (5) sa San Isidro; apat (4) sa Angadanan; tatlo (3) sa Delfin Albano; tig-dalawa (2) sa Lungsod ng Cauayan, Ilagan at bayan ng Sto. Tomas at tig-isa sa bayan ng Aurora at Gamu.


Mayroon namang dalawampu’t pito (27) ang bagong naitalang gumaling sa COVID-19 at umaabot na sa 3,810 ang total recovered cases sa Isabela.

Mula naman sa 613 na total active cases sa kasalukuyan, ang 511 dito ay Local trasmission; apatnapu’t siyam (49) ang Health worker; tatlumpu’t walong (38) pulis; labing dalawa (12) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs); at tatlo (3) na Returning Overseas Filipino (ROF).

Facebook Comments