Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Lalong Tumaas

13

Cauayan City, Isabela- Sumirit sa 1,615 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Mula sa inilabas na datos ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ngayong araw ng Lunes, Mayo 31, 2021, nakapagtala ang probinsya ng Isabela ng 137 na panibagong positibong kaso.


Habang mayroon namang 79 na bagong naitalang gumaling at apat (4) na nasawi.

Umaabot naman sa 21,483 ang kabuuang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 samantalang nasa 727 na ang total ng COVID-19 deaths sa Lalawigan.

Sa kasalukuyan, mayroon ng 23,825 na bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Isabela.

Facebook Comments