Cauayan City, Isabela- Sumampa na sa mahigit isang libo ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 29, 2021; isang daan at apatnapu’t apat (144) ang naitalang panibagong kaso na nagdadala ngayon sa kabuuang bilang ng aktibong kaso na 1,082.
Mayroon namang tatlumpu’t lima (35) na panibagong gumaling kaya’t tumaas sa 6,199 ang bilang ng total recovered cases.
Sa naitalang panibagong kaso; ang dalawampu’t lima (25) ay naitala sa bayan ng Mallig; labing anim (16) sa bayan ng Roxas; tig-labing apat (14) sa bayan ng Cordon at Quezon; tig-sasampu sa Ramon at Santiago City; siyam (9) sa bayan ng Quirino; pito (7) sa City of Ilagan; tig-aanim (6) sa Burgos at San Isidro; lima (5) sa Reina Mercedes; apat (4) sa Benito Soliven; tig-tatatlo (3) sa Delfin Albano at San Mateo; tig-dadalawa (2) sa mga bayan ng Cauayan City, Cabagan, Jones, at Tumauini at tig-iisa (1) sa Alicia, Angadanan, Cabatuan at Gamu.
Sa kasalukuyan, umaabot na sa 7,423 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala ng Isabela.
Mula sa total confirmed cases, 142 rito ay namatay.
Pinakamarami pa rin sa aktibong kaso ang Local Transmission na may 912; sumunod ang mga health workers na may 134; dalawampu’t lima (25) na kasapi ng PNP; at labing isa (11) na Locally Stranded Individual (LSIs).