Cauayan City, Isabela- Mahigit 100 na ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela batay sa datos ng Provincial Health Office.
Ito ay makaraang makapagtala ng panibagong pito (7) na tinamaan ng virus.
Umabot na sa 72, 344 ang total cumulative cases, 2, 340 ang naitalang namatay at 67, 881 ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.
Sa pagtaya ng health office, nanguna sa may pinakamaraming bilang ng tinamaan ng virus ang Santiago City (72), Cauayan City (6) at City of Ilagan (5).
Nasa labingtatlo (13) naman ang mga bayan sa lalawigan na walang kaso ng COVID-19.
Patuloy naman ang paghikayat ng kinauukulan sa publiko na magpabakuna para magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa COVID-19.
Facebook Comments