AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA ISABELA, NANATILI SA BILANG NA 66

42
Cauayan City, Isabela- Nananatili pa rin sa animnaput anim ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Batay sa pinakahuling datos ng Isabela Provincial Information Office ngayong araw, bagamat nakapagtala ng labing tatlo (13) na karagdagang kaso ng COVID-19 ang probinsya ay gumaling naman mula sa sakit ang pitong (7) pasyente kung kaya’y nasa animnaput anim pa rin ang kasalukuyang active cases.
Wala namang naiulat na namatay sa nasabing sakit kaya nasa dating 2,240 pa rin ang kabuuang bilang ng nasawi sa COVID.

Umaabot naman ngayon sa 68,850 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 na naitala sa Isabela.
Samantala, umakyat na sa labing isa (11) ang bilang ngayon ng mga bayan na COVID-19 Free na kinabibilangan nga mga bayan ng Aurora, Dinapigue, Divilacan, Luna, Maconacon, Reina Mercedes, San Agustin, San Guillermo, San Isidro, San Pablo at Sto. Tomas

Facebook Comments