Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Patuloy na Bumababa

Cauayan City, Isabela- Bumaba na lamang sa 507 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Regional Epidemiology Surveillance Unit (RESU) ngayong araw, Hulyo 9, 2021; mayroong naitala ang Lalawigan na 52 bagong positibong kaso subalit mayroon namang 48 na bagong gumaling kaya’t bumaba pa rin sa 507 ang active cases ng Isabela.

Nakapagtala naman ang probinsya ng limang (5) bagong kaso ng namatay sa COVID-19 na nagdadala sa kabuuang bilang na 850.


Sa kasalukuyan, umaabot na sa 27,533 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa probinsya na kung saan ang 26, 176 ay idineklara nang “fully recovered”.

Facebook Comments