Aktibong kaso ng COVID-19 sa Isabela, Sumampa ng 433

Cauayan City, Isabela- Umaabot na sa kabuuang 433 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lalawigan ng Isabela.

Ito ay batay sa pinakahuling datos na inilabas ng Integrated Provincial Health Office ngayong araw.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, may naidagdag sa bilang na 22.


Ilan naman sa iba pang bayan na may dagdag na kaso ng virus sa Isabela ay ang Cauayan City na may 5, City of Ilagan 5, Quirino 5, Tumauini 2 at bawat isa naman sa mga bayan ng Sto. Tomas, Naguilian, San Mariano,Sta Maria at Mallig.

Sa bilang na 433, siyam (9) ay pawang mga Returning Overseas Filipino (ROFS), 43 ang Non-APOR, 52 ang mga Health Workers at 355 ay kinabibilangan ng local at community transmission.

Samantala, mayroon namang naitalang 11 katao ang nakarekober sa nasabing sakit.

Muli namang hinihimok ang publiko na ugaliin ang pagsusuot ng face mask at face shield at umiwas sa matataong lugar.

Facebook Comments