Cauayan City, Isabela- Bahagyang sumipa sa 911 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa probinsya ng Isabela.
Sa datos ng Department of Health (DOH) Region 2 ngayong araw, Marso 24, 2021, siyamnapu’t apat (94) na bagong positibo sa COVID-19 ang muling naitala sa probinsya na nagdadala sa kabuuang bilang na 6,795 cases.
Mula sa panibagong kaso, ang 42 rito ay naitala sa Santiago City; labing apat (14) sa Echague; siyam (9) sa Cordon; tig-aanim (6) sa Mallig at Quezon; apat (4) sa San Mateo; tig-tatatlo (3) sa bayan ng Gamu, Quirino at Roxas at tig-iisa (1) sa bayan ng Aurora, Divilacan, Luna, at San Manuel.
Mayroon namang dalawampu (20) na bagong gumaling sa virus at ngayo’y umaabot na sa 5,752 ang bilang ng total recovered cases.
Ang Isabela ay nakapagtala na rin ng 132 na COVID-19 related death.
Sa bilang ng aktibong kaso, tumaas rin sa 753 ang bilang ng Local Transmission; 125 na Healthworker; labing siyam (19) na pulis; labing tatlo (13) na Locally Stranded Individuals (LSIs) at isang (1) Returning Overseas Filipino (ROFs).