Aktibong Kaso ng COVID-19 sa Isabela, Walang Pagbabago

Cauayan City, Isabela- Nananatili sa 150 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Lalawigan ng Isabela.

Ito’y matapos gumaling ang anim (6) na nagpositibo sa kabila ng pagkakatala ng anim (6) na panibagong kaso ng COVID-19 sa probinsya.

Ang anim na bagong positibong kaso ay naitala lahat sa Lungsod ng Ilagan.


Mula naman sa 150 na total active cases as of 8:00am ngayong araw, November 29, 2020, tatlo (3) rito ay mga Returning Overseas Filipino (ROFs), labing anim (16) na healthworker, limang (5) pulis, labing pito (17) na Non-Authorized Persons Outside Residence (Non-APORs) at 109 na Local Transmission.

Facebook Comments