Umakyat na sa 40 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang kinumpirma ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza kasunod na rin ng patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Hindi pa kasama sa 40 active COVID-19 cases sa Kamara ang mga pinakahuling nagpositibo na sina Majority Leader Martin Romualdez at Negros Oriental Representative Jocelyn Limkaichong.
Nasa anim naman ang naitalang kawani na naka-recover o gumaling na mula kahapon.
Samantala, simula ngayong araw hanggang bukas ay suspendido ang trabaho sa Mababang Kapulungan maliban sa ilang mga tanggapan na may skeletal force para sa pagtiyak na may tuluy-tuloy na serbisyo.
Tuloy pa rin ang mga pagdinig na isinasagawa sa Kamara pero lahat ng ito ay via Zoom o videoconferencing.