Aktibong kaso ng COVID-19 sa lambak ng Cagayan, Higit 300

Cauayan City, Isabela- Nasa kabuuang 364 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa buong lambak ng Cagayan batay sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) region 2.

Base sa COVID-19 regional case bulletin, 48 ang naidagdag ngayon sa bilang ng mga tinamaan ng virus.

Habang 49 naman ang naidagdag sa mga fully recovered na sa sakit na umabot na sa kabuuang 2,424 at 42 naman ang naitalang namatay may kaugnayan sa sakit.


Samantala, isinailalim na ang lungsod ng Santiago sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil sa tumataas na bilang ng mga nagpopositibo sa sakit.

Isa ngayon ang lungsod na may naitalang 7 naidagdag na kumpirmadong tinamaan ng virus.

Paalala naman ng health authorities na ugaliin ang pagsunod sa polisiya upang makaiwas sa posibleng pagkahawa sa sakit.

Facebook Comments