Patuloy na bumababa ang naitatalang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Las Piñas.
Sa pinakahuling datos na inilabas ng Las Piñas City Health Office, mula sa 88 noong January 15, nasa 74 na lamang ang active cases sa lungsod.
Nasa 5, 681 naman ang naitalang kumpirmadong kaso habang 207 ang bilang ng nasawi.
Pumalo naman sa 5,400 ang bilang ng nakakarekober sa sakit kung saan agad na isinasailalim sa swab test ang mga residente natukoy sa case finding.
Bukod dito, ang mga sumasalang sa swab test ay binibigyan ng food packs ng lokal na pamahalaan at kasabay nito, tuloy-tuloy rin ang libreng swab test sa kanilang Ligtas Center at Mobile Swab Test sa mga bahay-bahay.
Facebook Comments