Muling bumaba sa higit 40 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.
Sa inilabas na datos ng Pasay Local Government Unit (LGU), nasa 46 na lamang ang aktibong kaso ng virus, kung saan anim dito ay bagong kaso.
Nasa 10 naman ang nadagdag sa mga gumaling kaya’t ang kabuuang bilang nito ay nasa 14,240 na.
Nananatili sa 393 ang bilang ng nasawi habang naitalang kumpirmadong kaso ay nasa 14,679.
Inihayag pa ng lokal na pamahalaan ng Pasay na nasa 173 na barangay ang COVID-free na sa ngayon.
Sa natitira naman na 28 barangay na may naitatalang kaso ng COVID-19, ang barangay 183 ang may mataas na bilang na nasa 12.
Sa kabila naman ng mababang bilang ng aktibong kaso ng virus sa lungsod ng Pasay, patuloy na pinag-iingat ng lokal na pamahalaan amg bawat residente lalo na’t may naitatala ng Delta variant sa ibang syudad.