Aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila, bumaba sa higit 500

20

Nasa 590 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Ito ay kahit pa umabot sa 103 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Nadagdagan naman ng 134 ang bilang ng gumaling para sa kabuuang 66,547.

Isa ang nadagdag sa bilang ng nasawi kung saan nasa 1,270 na ang kabuuang bilang nito habang ang naitalang kumpirmadong kaso sa lungsod ay umabot na sa 68,317.

Facebook Comments