Nalagpasan na ng Mindanao ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) at sa ibang bahagi ng Luzon.
Batay sa tala ng Department of Health (DOH) nitong June 2, mayroong 11,391 na active COVID-19 cases sa Mindanao.
Ang Metro Manila naman na nananatiling episentro ng COVID-19 ay mayroong 10,174 aktibong kaso.
Paliwanag ni DOH Epidemiology Bureau Director Alethea de Guzman, ang Cagayan at Central Luzon ay may mataas pero mabilis na pagbaba ng kaso ng COVID-19.
Habang tumataas ang mga kaso sa Davao City at Zamboanga Peninsula na sanhi ng COVID-19 variants.
Iginiit naman ni De Guzman na dapat magpatupad ang mga Local Government Unit (LGU) ng mas istriktong community restrictions para mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.