Nasa labing-apat na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa mga pasilidad na kontrolado ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon sa BuCor , dalawa sa mga kaso ay isang bilanggo at isang tauhan ng piitan na kapwa nasa ospital habang 12 na pawang tauhan ng gobyerno ang nagpapagaling na.
Sa datos ng BuCor, umabot sa 776 ang tinamaan ng COVID-19 sa mga pasilidad nito, 730 ang gumaling na at 32 ang binawian ng buhay.
Samantala, mahigit 100 na Persons Deprived of Liberty (PDLs) at mahigit 100 trainees ng BuCor ang nagpositibo sa rapid antigen test.
Mahigit 100 sa mga ito ay asymptomatic at naka-isolate na.
Ayon kay BuCor Spokesman Gabriel Chaclag, bahagi ito ng lingguhan nilang pagsasagawa ng rapid antigen testing sa mga kulungan.
Kapag wala namang sintomas ay hindi na isasailalim sa RT-PCR test at kapag nagnegatibo na sa antigen test ay saka sila babalik sa trabaho o sa mga dating selda.