Umaabot na sa higit 400 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa City.
Sa datos ng Muntinlupa LGU, nasa 424 na ang naitatalang aktibong kaso ng lungsod, matapos makapagtala ng karagdagang 28 sa bilang nito kahapon.
Nasa 364 naman ang bilang ng nasawi habang pumalo sa 12,961 ang nakarekober.
Sa kabuuan, nasa 13,749 ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod ng Maynila.
Pinakamataas na bilang ng naitalang kaso ay sa Barangay Putatan na may 85; 82 sa Tunasan; 66 sa Poblacion at 51 kaso sa Barangay Alabang.
Samantala, wala naman naitatalang bagong kaso ng COVID-19 ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa hanay ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.
Nananatili sa 20,747 ang kumpirmadong kaso ng virus sa mga Pinoy abroad habang 1,227 ang nasawi at 12,234 ang nakarekober kung saan 4,633 ang naberipikang kaso ng DOH International Health Regulation.