Aktibong kaso ng COVID-19 sa Muntinlupa, mas bumaba nitong buwan ng Abril

Umaabot sa 52 kaso ng COVID-19 sa buwan ng Abril ang naitala ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa sa kanilang lungsod.

Mas mababa ito kumpara sa 95 na kaso noong nakaraang Marso.

Base sa datos ng City Health Office (CHO), noong Abril 1 ay mayroong 39,906 kumpirmadong kaso ng virus ang lungsod at bago matapos ang buwan ay mayroon na itong 39,958 o karagdagang 52 kaso ng COVID-19 habang 39,338 ang mga nakarecover at 614 naman ang mga namatay.


Sa hulong datos din ng CHO noong Abril 30, mayroon naitalang anim na aktibong kaso habang anim ang nakarekover at walang naitalang namatay sa virus.

Sa anim na aktibong kaso, dalawa dito ay naitala sa Barangay Ayala-Alabang at may tig-isang kaso naman ang mga barangay ng Tunasan, Poblacion, Cupang at Sucat.

Apat na barangay naman sa lungsod ang mga COVID-free na kinabibilangan ng Barangay Putatan, Bayanan, Alabang at Barangay Buli.

Samantala, umaabot na sa 493,568 indibidwal ang mga fully vaccinated na kung saam 129,419 indibidwal ang naturukan na ng booster shot.

Facebook Comments