Aktibong kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, Pumalo sa 166

Cauayan City, Isabela- Umaabot sa 166 ang nananatiling aktibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Batay sa datos na inilabas ng Provincial Health Office, may pinakamataas pa rin na aktibong kaso sa bayan ng Solano na 55; bayan ng Bayombong na may 46 at bayan ng Aritao na 28; bayan ng Bagabag na may 19; bayan ng Bambang 6; bayan ng Quezon 5; habang sa bayan ng Diadi at Dupax Del Norte na may tig-isang kaso.

Umabot naman sa 17 ang mortality case o pagkasawi ng mga tinamaan ng virus habang 385 naman ang nakarekober sa probinsya.


Sa kabuaan, 568 ang naitalang tinamaan ng virus sa buong probinsya.

Patuloy naman ang panawagan ng kinauukulan na sundin ang ipinapatupad na health protocol para maiwasan ang lalo pang pagdami ng nasabing kaso.

Facebook Comments