Aktibong kaso ng COVID-19 sa Nueva Vizcaya, Pumalo sa 35; MECQ, ipatutupad sa September 1

Cauayan City, Isabela- Isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine ang Lalawigan ng Nueva Vizcaya sa darating na Setyembre 1.

Ayon kay Governor Carlos Padilla, nababahala ang mga kinatawan ng Provincial task Force maging siya dahil sa patuloy na dumaraming bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.

Umakyat na sa 35 ang aktibong kaso ng virus sa kanilang probinsya kabilang ang isang 9-anyos, 2-taong gulang, 4-anyos at 11- taong gulang na kapwa residente ng bayan ng bayombong at solano.


Una nang hiniling ng Provincial Task Force sa Inter-agency task force on emerging on infectious diseases (IATF) ang pagsasailalim sa probinsya bilang MECQ.

Aminado din ni Padilla na ilang dahilan ng pagdami ng bilang ng mga positibong kaso ay ang ilang ‘smuggled’ vizcayano o yung tinatawag na pagpuslit pauwi sa lalawigan ng walang tamang koordinasyon at proseso nito.

Giit pa nito, muli na namang nakapagtala ng ikalawang kaso ng pagkamatay ang lalawigan dahil sa COVID-19

Pansamantalang itinigil na rin ang ‘OPLAN AWID’ o pagpapauwi sa mga Locally Stranded Individuals.

Tiniyak naman ng opisyal na sa paraang ito ay magsisilbing hakbang upang maiwasan na ang pagdami ng kaso.

Facebook Comments