AKTIBONG KASO NG COVID-19 SA PANGASINAN NADAGDAGAN NG MAHIGIT 71

PANGASINAN – Sa tala na inilabas ng Provincial Health Office, 71-katao ang nadagdag sa mga bagong kaso kung saan ay umabot na sa 667 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pangasinan.
Apatnapu’t apat naman ang nadagdag sa mga bilang gumagaling na kung saan ay umabot na ng 6,235 ang kabuuang bilang ng gumaling na.
umabot naman na ng 299 ang total na bilang ng namatay matapos madagdagan ng dalawa.
Samantala, nananatili naman ang bayan ng Dasol na walang aktibong kaso o COVID-19 free ang naturang bayan.

Facebook Comments