Patuloy na tumataas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.
Sa inilabas na datos ng Parañaque City Health Office at Parañaque City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU), umaabot na sa 156 ang aktibong kaso ng virus habang nasa 8,391 na ang naitalang kumpirmadong kaso sa lungsod.
Nito lamang nakalipas na Enero 5 ay nasa 110 lamang ang active cases ng COVID-19 sa Parañaque City kaya’t dahil dito, pinagdo-doble ingat ng lokal na pamahalaan ang publiko upang maiwasan na tamaan ng virus.
Nasa 215 naman ang bilang ng nasawi kung saan pumalo sa 8,020 ang bilang ng nakakarekober sa virus.
Sa nasabing datos, tanging ang Barangay Vitalez na lamang ang nakapagtala ng zero cases ng COVID-19 habang ang Barangay BF Homes ay may mataas na bilang ng active cases na nasa 35.