Aktibong kaso ng COVID-19 sa Parañaque City, unti-unting bumaba

Unti-unti ng bumababa ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Parañaque.

Sa inilabas na datos ng Parañaque City Health Office and Parañaque City Epidemiology at Surveillance Unit (CESU), nasa 124 na lamang ang bilang ng active cases sa lungsod.

Nabatid na nito lamang nakalipas na linggo ay umabot sa 156 ang naitalang bilang ng active cases kung saan sa kasalukuyan ay umabot naman na sa 8,469 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso.


Nakapagtala rin ng isang nasawi kaya’t nasa 217 na ang bilang ng mga namamatay dahil sa virus.

Pumalo naman na sa 8,128 ang bilang ng nakakarekober sa COVID-19 habang dalawang barangay sa lungsod ang walang naitatalang kaso ng virus.

Ito ay ang barangay Vitalez at Sto Niño habang ang barangay BF Homes pa rin ang may mataas na bilang na nasa 18.

Facebook Comments