Aktibong kaso ng COVID-19 sa Parañaque, higit 20 na lang

Nasa 28 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng PasayNaitala ang nasabing bilang sa 11 barangay kung saan pinakamaraming naitalang kaso ay sa Barangay Tambo na nasa 9 na positibong kaso.

Naitala ang nasabing bilang sa 11 barangay kung saan pinakamarami o siyam dito ay mula sa Barangay Tambo.Pumalo rin sa 49,885 ang nakarekober habang 781 ang nasawi.

Sa kabila ng pagbaba ng kaso, pinag-iingat pa rin ng Parañaque Local Government Unit (LGU) ang lahat ng mga residente lalo na sa pagtungo sa mga matataong lugar upang hindi mahawaan at hindi na rin dumami pa ang kaso ng COVID-19.


Tuloy-tuloy naman ang ikinakasang pagbabakuna sa lahat ng residente kung saan ginaganap ito sa mga mall, drugstore, clinic, health centers at ilang mga lugar sa barangay.

Facebook Comments