Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay, bahagyang tumaas isang araw bago ang Pasko

Bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Pasay.

Sa inilabas na datos ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nadagdagan ng 19 na bagong aktibong kaso ng COVID-19 kung kaya’t nasa 145 na ang kabuuang bilang nito.

Pumalo naman sa 6,672 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasay habang nananatili sa 175 ang nasawi.


Nadagdagan naman ng 14 na kaso ng new recoveries kaya’t nasa 6,352 na ang bilang nito.

Nadagdagan rin ang bilang ng barangay na nakapagtala ng aktibong kaso ng COVID-19 kung saan 51 mula sa 201 ang mayroong kaso ng virus habang nananatili ang Brgy. 183 na may mataas na kaso na nasa 27.

Facebook Comments