Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, bumaba muli sa higit 50

Bumaba na muli sa 50 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City mula sa 62 noong Biyernes.

Sa inilabas na datos ng Pasay City Local Government Unit (LGU), kasalukuyang nasa 57 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod habang pumalo na sa 14,079 ang nakarekober sa sakit.

Nananatili naman sa 390 ang bilang ng nasawi habang ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ay nasa 14,526.


Batay pa sa datos, nasa 171 na barangay sa lungsod ng Pasay ang COVID-Free na.

Sa 30 barangay naman na may naitatalang kaso ng COVID-19, nangunguna ang Barangay 183 na may mataas na bilang na 11, sinundan ng Barangay 165 na may 7 kaso habang tig-3 kaso sa Barangay 49 at 201.

Facebook Comments