Aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City, unti-unti nang nababawasan

Unti-unti nang nababawasan ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pasay City.

Sa huling datos na inilabas ng Pasay City Epidemiology and Disease Surveillance Unit, nasa 607 na lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Habang ang kabuuang bilang naman ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 ay nasa 2,591.


Nasa 98 na residente ng Pasay City ang nasawi dahil sa sakit kung saan pumapalo naman sa 1,886 ang nakarekober o gumaling sa COVID-19.

Pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ay sa Brgy. 183 sa Villamor na umabot sa 174 na sinundan ng Brgy. 201 na may 91 ang bilang at Brgy. 193 na nasa 83.

Samantala, nasa 60,661 na pamilya na nasa waitlisted ang matatanggap na ang una at ikalawang bugso ng financial assistance mula sa Social Amelioration Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ang ilan sa mga benipisyaryo ng SAP ay makukuha ang kanilang cash assistance mula sa remittance center habang ang iba naman ay makakatanggap sa pamamagitan ng “onsite distribution set-up” sa tulong ng mga opisyal ng barangay, representatives mula sa DSWD at tauahn ng Pasay Social Welfare and Development.

Facebook Comments