Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, 79 na lang

Bumaba sa 79 mula sa 86 kahapon ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 11 bagong recoveries at 4 na bagong kaso ngayong araw.

Mula naman nang magsimula ang pandemya, 42,184 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 41, 980 ang nakarekober at 125 ang nasawi.


Una nang sinabi ni PNP Chief General Dionardo Carlos na ang 99% vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.

Samanatala, sa ngayon nagpapatuloy ang pamimigay ng booster shot sa mga medical frontliners ng PNP.

Facebook Comments