97 na lang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 18 bagong recoveries at 11 na bagong kaso ngayong araw.
Ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, ito ay mula sa pinakamataas na bilang ng aktibong kaso sa kanilang hanay na 3,217 nito lang September 17 ng taong ito.
Mula nang magsimula ang pandemya, 42,173 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19, kung saan 41,951 ang nakarekober, at 125 ang nasawi.
Ayon kay Carlos, ang 99 percent vaccination rate ng mga tauhan ng PNP ay malaking factor sa pagbaba ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa kanilang hanay.
Sa bilang na ito, halos 93 porsyento ang fully vaccinated na, at mahigit anim na porsyento ang naghihintay na lang na maturukan ng pangalawang dose ng bakuna.