Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bumaba na sa 70%

Bumaba na sa 70% ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Naganap ito sa loob lamang ng isang buwan kasabay ng programang pagbabakuna ng pamahalaan.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, nasa 953 na lamang ang mga may sakit sa ahensya mula sa 3,214 noong Setyembre 13.


Ito ay dahil sa pagbabakuna sa mga pulis.

Sa ngayon, mula September 28 ay nasa 74% na ng PNP personnel ang fully vaccinated o 164,787 mula sa 222,743.

Nakapagtala naman ang PNP ng kabuuang 41,266 na kaso ng COVID-19, kabilang na ang 40,191 recoveries at 122 nasawi.

Facebook Comments