Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, bumaba na sa mahigit 3000

Umabot nalang sa 3,016 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 304 na bagong recovery at 169 na bagong kaso ngayong araw.

Matatandaan na noong nakaraang linggo ay umabot sa mahigit 4000 ang kanilang mga aktibong kaso na pinakamataas mula ng magsimula ang pandemya.


Pero ayon kay PNP Chief PGen. Dionardo Carlos, karamihan sa mga ito ay asymptomatic o kaya ay mga mild symptoms lang ang naranasan, kaya mabilis na nakarekober.

Sa kabuuan ay 47,334 tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 44,192 ang nakarekober at 126 ang nasawi.

Facebook Comments