Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, halos dumoble

Halos dumoble ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP) matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng anim na bagong kaso ngayong araw.

Apat sa mga ito ang unang beses na tinamaan ng COVID-19, habang dalawa ang “re-infection”.

Dahil dito, umakyat sa 14 ang kanilang aktibong kaso mula sa bilang kahapon matapos mabawas ng isang gumaling.


Sa kabuuan ay 48,895 na tauhan ng PNP ang tinamaan ng COVID-19 kung saan 48,752 ang naka rekober at 129 ang nasawi.

Samantala, nasa 99.64 percent ng mga tauhan ng PNP ang fully vaccinated na, 98.68 percent sa mga ito ang nabigyan narin ng booster shot.

Facebook Comments