Umabot na sa 501 na ang aktibong kaso ng COVID- 19 sa Philippine National Police (PNP).
Ito ay matapos na makapagtala ang PNP Health Service ng 13 recoveries at 38 bagong kaso.
Sa ngayon ay nasa 9,683 na tauhan ng PNP ang nagpositibo sa virus kung saan 9,154 ang nakarekober at 28 ang nasawi.
Tuloy-tuloy naman ang COVID testing ng PNP, batay na rin sa utos ni PNP Chief Police General Debold Sinas.
Iniulat naman ni PNP Deputy Chief for Administration at Administrative Support to COVID-19 Operations Task Force Commander Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na nasa 90,350 na tauhan ng PNP ang naisalang sa RT-PCR test.
Ito ay mahigit 41% ng kabuuang 219,467 na puwersa ng PNP.
Facebook Comments