Umabot na sa mahigit 40,548 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa hanay ng Philippine National Police (PNP) matapos madagdagan ito ng 94 bagong kaso.
Pero batay sa ulat ng PNP Health Service, sa nasabing bilang ay malaki na ang nabawas ng mga aktibong kaso ng virus sa kanilang hanay na ngayon ay nasa 1,727 na lamang.
Nakapagtala rin ang PNP ng 148 na bagong gumaling sa sakit kaya’t pumalo naman na sa 38,700 ang kabuuang bilang ng mga gumaling o total recoveries nito.
Samantala, nadagdagan naman ng dalawa ang bilang ng mga nasawi sa PNP dahil sa COVID-19 kaya’t sumampa na sa 121 ang kanilang total death toll.
Ang una ay isang 30-anyos na police corporal na nakatalaga sa CALABARZON na namatay kahapon October 6 sa Philippine General Hospital.
Habang ang ikalawa naman ay isang police executive master sergeant na nakatalaga sa National Capital Region Police Office na namatay nitong October 5 sa National Kidney Transplant Institute.