Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, muli na namang tumaas

Mula sa 31 active cases noong unang linggo ng Setyembre, nasa 94 na ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ng 6 na bagong kaso kahapon at 5 reinfections.

Sa kasalukuyan, nasa 49,579 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19 sa pambansang pulisya habang 49, 356 ang gumaling dahil sa 5 bagong recoveries at 129 naman ang kabuuang nasawi.


Samantala, nasa 99.75% ang fully vaccinated sa PNP, 0.05% ang partially vaccinated, 99.08% ang nakatanggap ng 1st booster shot at 17.99% naman ang mayruon ng 2nd booster shot.

Facebook Comments