Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, patuloy ang pagbaba

36

Umabot na lamang sa 420 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Batay sa datos ng PNP Health Service, mababa ang bilang na ito kung ikukumpara sa naitalang active cases na 471 kahapon.

Ang dahilan nito, patuloy na pagdami ng mga gumagaling sa sakit na umabot na sa 41,351 dahil sa nadagdag na 80 new recoveries.


Habang umabot na sa 41,894 ang nagka-COVID-19 sa PNP matapos makapagtala ng 29 new cases.

Nanatili naman sa 123 ang death toll sa PNP dahil sa COVID-19.

Facebook Comments