Aktibong kaso ng COVID-19 sa PNP, tumaas pa!

46

Sumampa na sa 56 ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Philippine National Police o PNP.

Ito’y makaraang makapagtala ang PNP Health Service ngayong araw ng pitong bagong kaso habang apat naman ang reinfection.

Sa kasalukuyan, nasa 48,965 na ang kabuuang bilang ng mga naitalang impeksiyon sa hanay ng Pambansang Pulisya habang 48,780 ang gumaling dahil sa dalawang bagong recoveries, at 129 naman ang death toll.


Samantala, pumalo na sa 99.73% ang fully vaccinated sa PNP, 0.07% ang partially vaccinated, at 98.83% naman ang nakatanggap ng booster shots.

Facebook Comments